For Public Awareness!

May ilang personalidad pong umiikot na hindi konektado at ginagamit ang pangalan ng paaralan upang makakuha ng pera o bayad daw sa 15 hours Theoretical Driving Course o sa 8 hours Practical Driving Course.

Huwag pong paniwalaan o magbibigay ng anumang  pera o bayad sa kanila. Ang bayad po sa tuition fee ay aming pinahihintulutan lamang sa aming opisina. Tandaan po natin na hindi po natin pahihintulutang masira o madungisan ang magandang imahe o pangalan ng “Driving School Ng Masa”.

Ang aming mga lihitemong marketers po ay hindi tumatanggap ng anumang bayad o pera at patuloy po ang ating programa para sa “Study Now Pay Later Program” at mas mababang tuition fee ngayong buwan.

Mahal po namin kayo at patuloy na magbibigay o magpapadaloy ng tamang serbisyo at makamasang programang tutulong para sa mga nasa laylayan ng lipunan.

#Huwag magpapaloko

#Driving School ng Masa

Like and Share this post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *